I've been wanting to do a blog post about this for so long, pero laging napo-postpone kasi ang dami kong gustong sabihin, pero yung kamay ko ayaw na mag-type. So when I was taking a break from work earlier, browse browse ako ng forums and shared stuff on my newsfeed. Naalala ko yung isang blog post about the call center industry being belittled - and naalala ko na naman din ang feelings ko towards this.
Sa totoo lang, I take offense when people always attach the word 'LANG' sa call center industry or sa call center agents. As in emosyonal talaga ako pag nakakarinig or nakakabasa ako ng not-so-nice comments about the work I used to do, or the industry that I used to be part of.
Let me tell you a bit about my employment history. Shortly after graduation, I worked in a magazine as an editorial coordinator. Ang saya-saya ko dahil graduate ako ng Journalism, so ito talaga yung mundong gusto kong galawan. BUUUT, dahil ang lola nyo ay gustong magpaka-independent at bumukod, naisip kong hindi sasapat ang mumunti kong sweldo doon to live on my own. Nagsisimula nang mag-boom ang call center industry noon, and very competitive na ang offered salary nila - so nag-go ako sa isang offer, at true enough, natustusan ko ang independent, living-on-my-own lifestyle ko because of my career shift. I was part of the industry for almost five years, and I learned so much in those five years.
And I must tell you guys, never syang naging madali. De-minuto lahat.
- Ma-late? BAWAL. Magkaka-memo ka. Kahit 15 minuto ka lang ma-late sa isang buong buwan, basta tatlong beses na, memo pa din.
- Mag-extend ng lunch? BAWAL. Hahanapin ka kaagad. Puwedeng-puede ka din magka-memo.
- Mag-absent? Hindi maganda sa record mo yan. Actually, bago ka pala maka-absent, dadaan ka muna sa bonggang tanungan portion. Kailangan tumawag ka din ng maaga para sabihing hindi ka papasok. Kahit pa ang gusto na lang ng katawamng-lupa mo ay magpahinga, gigising ka talaga para tumawag, dahil kung hindi, puwedeng-puede ka din magka-memo.
- Mag-absent dahil maysakit ang anak mo? Papayagan ka, pero next time, or pag napadalas na, sisitahin ka na. As if ma-control mo kung ilang beses lang magkakasakit ang mga bagets di ba?
- Mag-LBM or ma-ihi ng madalas? Naku mahihirapan ka dyan. Bilang ang AUX (allowed break within the shift) mo. So you have to limit your wiwi moments. Good luck di ba? Hindi ka din puwedeng "Ay nastress ako, makapag-yosi break nga muna". Walang ganyan, wait ka talaga ng break mo.
Hindi lang yan. Kailangan din ma-abot mo ang mga goals or metrics ng kliyente. So kung mag-petiks ka at hindi magtrabaho ng maayos, puedeng-puede kang i-let go. They need people who deliver. People get paid well to deliver results, so when you don't, goodbye. Hindi katulad sa mga usual corporate setting na may ilang empleyadong taon na binilang tulaley pa din sa trabaho, pero nandun pa din, pinapasweldo pa din. Saka holidays, ilang pasko at bagong taon din yon na nasa opisina ako. Masaya din naman, may libreng pagkain, may mga pa-raffle ekek, pero aminin nyo, sa Pilipinas, wala pa din kapalit ang kasama mo ang pamilya mo pag ganung panahon.
So hindi ko talaga ma-gets yung mga ganitong comments:
- "Ang ganda ng course mo nung college tapos call center agent ka LANG?"
- "Naku sa ____ ka pala graduate, tapos call center agent ka LANG?"
- "Ahhhh sa call center ka LANG pala.... Si ganito ganyan kasi sa ganitong opisina nagtratrabaho."
- "Ayaw mo bang umalis dyan, gusto mo call center ka LANG?"
Hala.
Enlighten me nga, ano bang nagawa ng call center industry to deserve this? Yung madugtungan ng LANG pag binabanggit or pinaguusapan?
Hindi pa ba sapat na nakapag-provide ang call center industy ng employment sa new graduates na otherwise e nganga dahil walang makuhang trabahong connected sa course nila na maayos ang sweldo?
Hindi pa ba sapat na nabigyan ng call center industry ng pagkakataon ang mga more than 35 years old ng maayos na trabaho? Dito kasi sa atin, ang hanap ng karamihan ng opisina palagi ay 'no more than 35 years old'. Pero dahil sa call centers, hindi rin sila nganga.
Hindi pa ba sapat na dahil sa call center industry, madaming napag-aral at napagtapos na anak, pamangkin, inaanak, etc.?
Hindi pa ba sapat na dahil sa call center industry, may mga nakakabili pa din ng bagong bahay, kotse, insurance, etc.?
Hindi pa ba sapat na dahil sa call center industry, madaming negosyong nagdagdag ng branch or nag-extend ng hours to accommodate their needs, and in turn created more jobs pa?
I know the call center industry is not perfect, it has its 'quirks', like any other part of the employment world. Pero never, as in NEVER will I think of attaching the word LANG to it like it's a mediocre sector of employment. Kung yung kakilala mo ay graduate ng Physical Therapy pero nasa call center, wag mong panghinayangan - dahil kung masaya sya dun at nakakatulong sya sa sarili nya at pamilya nya dahil sa pagtratrabaho bilang call center agent, dagdag points yon sa pagkatao nya - at bawas sa yo kung 'minamaliit' mo sya. Kung nasa HR ka at nakita mo sa resume ng isang applicant na nag-call center sya, isipin mo na lang kung gaano ka-rigorous ang every day rules na kailangan nyang sundin, ang trainings na pinagdaanan nya, at ang stress na hinarap nya. Plus points nya yun, at kabawasan mo yun kung hindi mo makita kung paano nito in-enrich ang pagkatao nya.
Never underestimate any kind of decent job that requires perseverance and hard work. Kahit magkano pa ang sweldo nyan or kahit gaano pa kalayo sa tinapos ng tao. Ang taong nagtratrabaho ay taong gustong maging maunlad ang buhay nya at ng mga taong mahal nya - that in itself is a laudable effort. Dami kayang tambay dyan. :)
I feel for you sis. I was also a call center rep. First job ko yan at 8 years akong tumagal dyan. At kung maka "lang" ang mga tao akala mo ang lalaki ng sweldo nila! Nakakayamot! Stress ang number one kalaban ng mga call center people at hindi yan basta basta. Akala nila madali pero hindi. Kung makalang eh, hindi naman nakakabili ng Starbucks, nakakakain sa Vikings, nakakapag out of town kapag long weekend, etc. Masyadong mapagmaliit.
ReplyDelete